Bagong gymnasium na itatayo sa PRMSU kayang mag-akomoda ng higit 5K katao

Kakayaning mag-akomoda ng hanggang 5,400 katao ang itatayong bagong gymnasium sa Pres. Ramon Magsaysay State University sa Iba, Zambales.

Nito lamang katapusan ng Hulyo ay nagsagawa ng ground breaking ceremony sa lugar sa pangunnguna ni Zambales 2nd District Representative Bing Maniquiz, Zambales 1st District Engineer Hermon Ines at University President Dr. Roy Villalobos.

Ayon kay Cong. Maniquiz, ang pasilidad ay magkatuwang na proyekto ng kanyang opisina at ng Department of Public Works and Highways.

Ang multi-purpose facility ay mas malaki at magiging mas komportable para sa mga gagamit sa iba’t ibang aktibidad.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: DPWH

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *