Bagong market plaza sa City of San Fernando, pinasinayaan na

Pinasinayaan na ng Local Government ng City of San Fernando ang bago at tinawag na mas modernong palengke ng lungsod, kasabay ng pagdiriwang ng kailang kapistahan.

Ang bagong pasilidad ay pinaglaanan ng 250 million pesos, kung saan may dalawang palapag at may lawak na 1.1 na ektarya.

Ito ay mayroong 550 market stalls, mayroon ring fruit and vegetable area, food stalls at pasalubong center.

Ayon kay City Engineer Anele David, idinisenyo ito para mas maging komportable ang mga mamimili at mga market vendors.

Mas mataas rin ito kumpara sa dating palengke, kaya hindi na pangangambahan na abutin ito ng tubig baha.

Samantala, ang bagong palengke o mas kilala ngayon sa tawag na City Market Plaza ay mayroon ding malawak na parking space para sa mga sasakyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *