Bagong multi-species marine hatchery sa Ligao City, isinapubliko na

LEGAZPI CITY – Isinapubliko na ang bagong Multi-Species Marine Hatchery sa Sitio Tambac, Brgy. Maonon, Ligao City na pinangunahan ni City Mayor Fernando Gonzales at Albay 3rd District Cong. Fernando Cabredo.

Pangungunahan ng BFAR ang pamamahala ng operasyon sa hatchery at magsasagawa sila ng training sa mga LGU personnels sa loob ng dalawang taon para sa pag-transfer ng pamumuno nito sa sakanila.

Ang marine hatchery sa lunsod ay alinsunod sa lehislasyon na iniakda ni Cabredo noong 2016 na Republic Act 1090 o “An Act Establishing A Multi-Species Hatchery in the City of Ligao, Province of Albay and Appropriating Funds Therefor”.

Layun nitong masiguro ang pagpapanatili ng supply ng mga marine products hindi lamang sa lunsod kundi maging sa buong rehiyon.

Magkakaroon umano ito ng malaking kontribusyon sa produksyon ng iba’t-ibang marine species tulad ng mga isdang lapu-lapu, tilapia at mangrove crabs.

Nilalayon din nitong paigtingin ang food security at makapagbigay ng oportunidad at kabuhayan sa mga residente at mga mangingisda.

Matatandaang naglaan ang LGU ng property para sa konstruksyon ng pasilidad sa pangunguna ng dating alkalde nito.

Taong 2021, ipinanukala rin ni Cabredo ang nasa PHP31M na budget para sa pasilidad sa ilalim ng General Appropirations Act for 2021.

Samanatala, kapag fully operational na ang pasilidad, inaasahang makakapagbigay ito ng aabot sa PHP5M na kita bawat taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *