Bagong PNP at AFP chief, pinangalanan na ni Pangulong Marcos

Pinangalanan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang susunod na hepe ng Philippine Naitonal Police.

Ayon kay Press Secretary Trixie-Cruz Angles, itinalaga na si Lt. Gen. Rodolfo Azurin Jr. bilang bagong PNP chief.

Si Azurin ay ang hepe ng Area Police Command-Northern Luzon at mayroon pang isang taon sa serbisyo.

Sina Azurin at PNP Directorate for Operations Maj. Gen. Val de Leon ay kapwa kabilang sa PMA Class of 1989.

Samantala, pinangalanan din si Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro bilang susunod na Armed Forces of the Philippines Chief of Staff.

Ayon kay Angeles, isasagawa ang pormal na change of command ng AFP sa ika-walo ng Agosto.

Ito ay upang makapagbigay daan sa transition ng bagong Chief of Staff mula sa Southern Luzon Command.

Si Bacarro kabilang sa PMA Maringal Class of 1988.

Siya rin ang kauna-unahang hepe ng AFP na makakabenepisyo sa bagong fixed three-year term para sa mga AFP chief of staffs.

Samantala, in-appoint din bilang Director ng National Bureau of Investigation ang long-time asssitant director sa tanggapan na si Medardo de Lemos.

Si de Lemos ay ang kasalukuyang OIC na pumalit kay dating director Eric Distor na appointee naman ng dating administrasyon.

Siya rin ang itinuturing napinaka-senior official sa NBI at nagsilbi sa tanggapan sa loob ng halos apat na dekada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *