PNP, umaasa na maipagpapatuloy ng kanilang bagong hepe ang mga kampanya at programa

Umaasa ang Philippine National Police (PNP) na maipagpapatuloy ng kanilang bagong talagang hepe na si Police Lt. General Rodolfo Azurin, Jr. ang kampanya at mga programa ng pambansang pulisya nang may integridad at kredibilidad.

Kasabay nito ang pagtiyak ng PNP na suportado nila ang pagkakatalaga kay Gen. Azurin bilang kanilang bagong pinuno.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Roderick Alba na makakaasa si Azurin sa suporta ng 226,000 na tauhan ng PNP.

Tiwala rin si Alba na maipagpapatuloy ng bagong hepe ang mas maigting na pagprotekta ng mga pulis sa mga mamayan.

Si Azurin ay ang hepe ng Area Police Command-Northern Luzon at mayroon pang isang taon sa serbisyo.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *