Bagong quarantine restrictions para sa Hunyo, malalaman sa Lunes – Nograles

Inaasahan sa Lunes, May 31, iaanunsiyo ng Malakanyang ang bagong quarantine restriction sa bansa para sa buwan ng Hunyo.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force Co-chair Karlo Alexie Nograles, kinumpirma nitong mayroon nang binalangkas na rekomendasyon ang IATF sa ginanap na pulong noong Huwebes.

Ayon kay Nograles, hinihintay na lamang nila kung mayroong mga apela ang mga gobernador at local chief executives sa kanilang inilatag na bagong quarantine restrictions.

Pagkatapos nito agad naman umanong isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nabuong rekomendasyon para sa approval at sa Lunes inaasahang iaanunsiyo na ito ng Malakanyang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *