Bagong SBMA CHAD nanumpa na sa kanyang posisyon

Nanumpa na bilang bagong Subic Bay Metropolitan Authority Chairman & Administrator si CHAD Eduardo Aliño kahapon kay Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay OIC Office of the Deputy Administrator for Corporate Communications Armie Llamas, si Aliño ay isang kilalang businessman, nagging chairman ng Subic Bay Yacht Club at president and chairman ng S.T.A.R. Group of Companies.

Kanyang papalitan sa posisyon si dating CHAD Jonathan D. Tan na nanumpa naman bilang USEC ng DILG.

Samantala, inaasahang sa susunod na linggo ay posibleng nasa opisina na ang bagong CHAD.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: PCO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *