Bagong service vehicle, itinurn-over sa Legazpi City Public Safety Office

Kumpirmado mula sa lokal na pamahalaan ng Legazpi City na mayroong bagong service vehicle na itinurn-over sa Public Safety Office (PSO) ng nasabing lunsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay City Mayor Geraldine Rosal, sinabi niyang, sa katunayan ay mula pa noong nakaraang taon ang kanilang hiling ng nasabing behikulo at ngayon palang naibigay.

Aniya, makakatulong ito sa nasabing opisina para sa pagresponde sa panahon ng mga emergency at iba pang mga mahahalagang kakailanganin.

Isa pa rito ay kung mayroong mabibigat na daloy ng trapiko at kapag mayroong mga aksidente sa kalsada, malaking tulong umano ang nasabing behikulo sa pagtransport ng kanilang mga tauhan.

Nilinaw naman ng alkalde na pangalawa na itong behikulo, ngunit ang nauna ay matagal na umano nilang ginagamit kung kaya’t humiling na sila ng bago.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *