Bagong silang na sanggol narescue sa damuhan sa Camarines sur

CAMARINES SUR-Kaawa-awa ang lagay ng isang bagong silang na babaeng sanggol nang matagpuan sa damuhan sa bahagi ng Villa Peña Subdivision  Barangay Bagumbayan Pequeño, Goa, Camarines Sur bandang alas-9 ng umaga nitong Huwebes Nov. 2, 2023.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga sa residenteng si Joe Lawrence, may nakarinig ng iyak kaya tiningnan kaagad at humingi sila ng saklolo, narescue ang baby. Nasa maayos nang kalagayan ngayon mabuti na lamang aniya at hindi kinagat o kinain ng mga aso.

Sinabi naman sa BNFM ni PMAJ. Rodolfo Borromeo, hepe ng Goa Municipal Police Station na nag check na sila ng mga CCTV  sa lugar pero bigo pang makita kung sino ang nag abandona sa sanggol, kakalap pa aniya sila ng iba kang CCTV footages malapit dito. Kung matunton ang magulang o sinumang nag abandona ay tiyak nahaharap sa kaukulang kaso.

May proseso naman ang Department of Social Welfare and Development Office sa counselling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *