Bagong ‘Super Health Center’ sa lungsod ng Sorsogon, pormal nang naiturn-over

Pormal nang naiturn-over sa lungsod ng Sorsogon ang bagong Super Health Center na nasa Barangay Pangpang Sorsogon City na pinangunahan mismo ni Senator Bong Go.

Ang nasabing Super Health Center ay isa lamang sa 6 na kahalintulad na pasilidad na itatayo sa lalawigan ng Sorsogon na isa sa mga hakbangin ng pamahalaan upang mailapit sa mga mahihirap na Pilipino ang serbisyong medikal ng gobyerno at upang maiwasan ang congestion sa mga pampublikong ospital.

Sa nasabing pasilidad ay maaari nang magpacheck-up ang mga Sorsoganon, kung saan kabilang sa mga serbisyong hatid nito ang outpatient, birthing, isolation, diagnostic, laboratory gaya ng x-ray at ultrasound, pharmacy, data base management, at ambulatory surgical unit.

Sa kabuuan, mayroong 600 na mga Super Health Centers ang itatayo sa buong bansa kung saan 43 dito ay itatayo sa rehiyon ng Bicol.

Samantala hinimok naman ni Sen. Go ang publiko na laging magpasuri upang maiwasan ang mga malalalang karamdaman.

Ang pagpapatayo ng Super Health Centers sa buong bansa ay isa sa mga inisyatiba ng senador bilang Chair ng Senate Committee on Health para mas mapalakas pa ang  healthcare system ng bansa. Suportado ito ng kanyang mga kapwa mambabatas at ng DOH.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *