Bagyong Bising nag iwan ng nasa P2.5 milyon pinsala sa Seaweeds Farm

CAMARINES NORTE- Hindi direktang hinagupit ng bagyong Bising ang lalawigan ng Camarines Norte pero nag- iwan pa rin ito ng pinsala sa mga seaweeds farm.

Sa impormasyong nakalap ng Brigada News FM Daet mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) umabot sa kabuuang P2.539, 900.00 ang naitalang pinsala ng bagyong Bising sa pagkasira ng mga seaweeds farm.

Batay naman ito sa Typhoon damage assessment report ng Office of the Provincial Agriculturist as of April 22, 2021.

Tatlong bayan sa lalawigan ang napuruhan ng pagkasira ng mga seaweeds farm na kinabibilangan ng Jose Panganiban, Mercedes at Paracale.

Sa Jose Panganiban apektado ang mga seaweeds farm sa Brgy. Dahican at Salvacion kaya’t nasa 48 operators ang apektado ngayon ang kabuhayan.

Naapektuhan din ang seaweeds farm sa Brgy. Cayucyucan sa bayan ng Mercedes at Macolabo sa bayan naman ng Paracale na iindahin ng nasa 14 at 22 operators ayon sa pagkakasunod- sunod.

Habang “no significant” damage naman sa siyam na bayan sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *