Bagyong Florita, nag-landfall na; Mga lugar na nasa signal no. 3, nadagdagan

Lalo pang lumakas ang Severe Tropical Storm ‘#FloritaPH’ habang binabaybay ang bahagi ng Isabela.

Sa 11am bulletin ng PAG-ASA, taglay na nito ang lakas na aaabot ng 110 kilometro kada oras malapit sa gitna; at bugsong aabot ng 150 kilometro kada oras.

Tinatahak nito ang direksyong pa-hilagangkanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras, at asahan ang malalakas na hanging 300 kilometro mula sa sentro ng bagyo.

Nag-landfall na rin ito kaninang alas-diyes y medya sa Maconacon, Isabela.

Nakataas naman ang tropical cyclone wind signal no.3 sa mga sumusunod na lugar:
-northern portion ng Ilocos Norte;
-Apayao;
-southern portion ng Babuyan Islands;
-mainland Cagayan; at
-northeastern portion ng Isabela

Signal no. 2 naman sa:
-nalalabing bahagi ng Babuyan Islands;
-nalalabing bahagi ng Isabela;
-Quirino;
-hilaga at silangang bahagi ng Nueva Vizcaya;
-Abra;
-Kalinga;
-Mountain Province;
-Ifugao;
-hilagang bahagi ng Benguet;
-nalalabing bahagi ng Ilocos Norte;
-Ilocos Sur,
-at hilagang bahagi ng Aurora

Signal No. 1 naman sa
-Batanes,
-nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya,
-nalalabing bahagi ng Benguet,
-La Union,
-nalalabing bahagi ng Pangasinan;
-hilagang silangang bahagi ng Tarlac;
-Nueva Ecija, at
-nalalabing bahagi ng Aurora

Dahil sa bagyo, asahan na ang malalakas na pag-ulan sa bahagi ng Cagayan, Isabela, Cagayan, Isabela, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Zambales, at sa Bataan.

Katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan naman ang aasahan sa hilagang bahagi ng Aurora, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Rizal, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.

Samantala, pinalalakas pa rin ng bagyo ang umiiral na Hanging Habagat ‘o ‘yung Southwest Monsoon.

Dahil dito, magpapaulan pa rin ang Habagat sa ilang bahagi ng Western Visayas at sa MIMAROPA.

Inaasahan namang lalabas na ang bagyong #FloritaPH sa Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *