Bagyong #HannaPH, lumakas pa bilang isang typhoon

Bahagya pang lumakas at isa nang ganap na typhoon ang Bagyong #HannaPH.

Ayon sa PAGASA, lumakas ang taglay na hangin nito sa 120 kilometro kada oras, at bugsong papalo ng hanggang 150 kilometro kada oras.

Huli itong namataans a layogn 785 kilometro silangan hilagangsilangan ng Itbayat, Batanes.

Sa ngayon, bagamat wala pang direktang malalakas na pag-ulang maidudulot ang naturang bagyo, patuloy pa ring pinalalakas ng mga Bagyong Hanna, nagdaang Bagyong Goring, at Tropical Storm Kirogi ang umiiral na Southwest Monsoon, ‘o ‘yung Hanging Habagat.

Ngayong araw, asahang uulinanin pa rin ang bahagi ng Batanes, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Aurora, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at northern portion ng Eastern Visayas.

Asahan din ang maulan na panahon hanggang sa weekend.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *