Bagyong #JennyPH – isa nang ganap na tropical storm, palalakasin din ang umiiral na Hanging Habagat

Napanatili pa ng Bagyong #JennyPH ang lakas nito habang tinatahak ang direksyong pa-kanluran timog kanluran sa bahagi ng Philippine Sea.

Sa 11am bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,025 kilometro silangan ng Central Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na appalo ng 65 kilometro kada oras, at bugsong aabot ng 80 kilometro kada oras.

Sa ngayon, wala pa namang itinataas na tropical cyclone wind signals ang weather bureau at wala pa rin itong direktang epekto sa bansa.

Sa kabila niyan – pinalalakas pa rin ng Bagyong Jenny ang umiiral na Hanging Habagat na magpapa-ulan naman sa malaking bahagi ng bansa ngayong weekend.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *