Bagyong Kabayan, bahagyang humina bago mag-landfall sa Davao Oriental

Bahagyang humina ang Bagyong #KabayanPH at isa na lamang tropical depression.

Ayon sa PAGASA – humina ito sa 55kph at bugsong aabot ng 90kph.

Ito ay bago mag-landfall ang bagyo kaninang umaga sa Manay, Davao Oriental.

Huling namataan ang sentro ng Bagyo sa bahagi ng Caraga, Davao Oriental.

Inaasahan namang tatawid ang Bagyo sa Mindanao ngayong Lunes ng hapon.

Posible rin itong mag-landfall ulit sa bahagi ng Southern Palawan bukas ng hapon, at lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Miyerkules ng umaga.

Inalis naman na ang signal number 2; pero nakataas pa rin ang signal number 1 sa mga sumusunod:

๐‹๐”๐™๐Ž๐:โฃ
Southern portion of Palawan kabilang ang Cagayancillo Islandsโฃ
โฃ
๐•๐ˆ๐’๐€๐˜๐€๐’:โฃ
Southern Leyte, Leyte, southern portion ng Samar, southern portion ng Eastern Samar, Cebu kabilang ang Camotes Islands, Bantayan Islands, Bohol, Siquijor, Negros Oriental, Negros Occidental at Guimarasโฃ
โฃ
๐Œ๐ˆ๐๐ƒ๐€๐๐€๐Ž:โฃ
Misamis Oriental, Camiguin, Bukidnon, Davao de Oro, northern portion ng Davao Oriental, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Davao del Norte, Davao City, northern portion ng Cotabato, northern portion ng Maguindanao, western and central portions ng Zamboanga del Norte, western and central portions ng Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Agusan del Norte, Surigao del Sur at Agusan del Surโฃ.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *