National

Bagyong Kabayan, bahagyang humina bago mag-landfall sa Davao Oriental

Bahagyang humina ang Bagyong #KabayanPH at isa na lamang tropical depression.

Ayon sa PAGASA – humina ito sa 55kph at bugsong aabot ng 90kph.

Ito ay bago mag-landfall ang bagyo kaninang umaga sa Manay, Davao Oriental.

Huling namataan ang sentro ng Bagyo sa bahagi ng Caraga, Davao Oriental.

Inaasahan namang tatawid ang Bagyo sa Mindanao ngayong Lunes ng hapon.

Posible rin itong mag-landfall ulit sa bahagi ng Southern Palawan bukas ng hapon, at lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Miyerkules ng umaga.

Inalis naman na ang signal number 2; pero nakataas pa rin ang signal number 1 sa mga sumusunod:

π‹π”π™πŽπ:⁣
Southern portion of Palawan kabilang ang Cagayancillo Islands⁣
⁣
π•πˆπ’π€π˜π€π’:⁣
Southern Leyte, Leyte, southern portion ng Samar, southern portion ng Eastern Samar, Cebu kabilang ang Camotes Islands, Bantayan Islands, Bohol, Siquijor, Negros Oriental, Negros Occidental at Guimaras⁣
⁣
πŒπˆππƒπ€ππ€πŽ:⁣
Misamis Oriental, Camiguin, Bukidnon, Davao de Oro, northern portion ng Davao Oriental, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Davao del Norte, Davao City, northern portion ng Cotabato, northern portion ng Maguindanao, western and central portions ng Zamboanga del Norte, western and central portions ng Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Agusan del Norte, Surigao del Sur at Agusan del Sur⁣.

BNFM Makati

Recent Posts

Gaballo bigo kontra Mexican fighter

Bigo si Reymart β€œAssassin” Gaballo sa kamay ng Mexican fighter na si Kenbun Torres. Napatumba…

2 hours ago

DOJ, nagbabala laban sa mga dayuhang sangkot sa human trafficking sa bansa

Nagbabala ang Department of Justice laban sa mga dayuhang sangkot sa mga iligal na pagnenegosyo…

2 hours ago

NCRPO, magpapakalat ng mahigit 20k pulis sa Sona ni Pangulong Marcos

Humigit-kumulang 22,000 libong mga pulis ang ipapakalat sa NCR para sa ikatlong State of the…

3 hours ago

Pinalayang Pinoy seaman ng Iranian Naval Authorities, nakauwi na sa bansa

Dumating na sa Pilipinas ang Pinoy Seaman na crew ng MSC Aries na halos isang…

3 hours ago

33 street vendor na inireklamo sa Naga, pansamantalang ipinatigil magtinda

NAGA CITY – Pansamantalang ipinatigil magtinda, ang nasa 33 na mga street vendors sa Naga…

4 hours ago

Balikatan exercise – opisyal nang nagtapos

Itinuring na isang tagumpay ang 39th Balikatan Exercise sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at…

7 hours ago