Bahay ng dumalo sa pasyon, nasunog

CAMARINES SUR – Labis ang lungkot at panghihinayang ng ginang sa Magarao, Camarines Sur matapos na masunog ang kaniyang tirahan kahapon Marso 31, 2024 sa Barangay Sta. Lucia.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay SFO3 Glen Aven, Officer In charge ng BFP Magarao sinabing nanlumo ang may ari ng makita na abo na ang bahay na tinitirhan, matagal aniya itong pinagpaguran at pinagipunan bago mabuo.

Ayon naman sa ulat ng BFP alas 4 pa ng madaling araw nang mangyari ang sunog, wala ang may ari sa bahay dumalo ng pasyon (pabasa), alas 7 na ng umaga ng makarating sa kanila ang impormasyon, huli na ang lahat pero rumesponde ang mga tauhan at nakitang may apoy pa ang haligi ng bahay kaya kanilang inapula.

Tinatayang 10,000 ang halaga ng naiwang pinsala, ligtas ang may ari at sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng BFP sa kung ano ang sanhi ng sunog.

Samantala walang naiulat na nasaktan o nasawi sa nangyaring sunog kaugnay ng napaulat na may nasawi sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *