Baker sa US, ibinuhos ang 55 oras sa pagbi-bake para makuha ang isang world record title

Sabi nila kapag passion mo umano ang iyong ginagawa mistulang nagiging madali na lamang ito para sa ‘yo.

Ngunit, kakasa ka kaya sa patagalan at mistulang walang tigil na pag-baked ng tinapay at dessert?

Ganiyan kasi mismo ang ginawa ng isang baker sa United States upang makapagtala ng world record.

Sumatotal 55 oras o aabot sa dalawa’t kalahating araw ang ibinuhos ni Mitchelle Handley ng Texas para masungkit ang world record title na “Longest Baking Marathon by an Individual”.

Dahi rito, natalo niya nga ang dating may hawak ng titulo na si Alan Fisher na nakapagtala ng 47 oras.

Sa ngayon, magkakaroon nan g balidasyon ang Guinnes Organization matapos na isumite nan i Handley ang mga patunay ng kaniyang record attempt.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *