Bakuna para sa avian flu at ASF, malabo pa rin

Wala pang mailatag na timeline ang Food and Drug Administration o FDA kung kelan magkakaroon ng bakuna sa bansa kontra sa kumakalat na sakit sa mga hayop, partikular ang avian flu at ang African Swine Fever o ASF.

Sa press briefing sa MalacaƱang, inamin ng FDA na wala pa silang natatanggap na aplikasyon mula sa potensyal na supplier ng bakuna para sa mga nasabing sakit ng mga hayop.

Ayon kay FDA Director General Dr. Samuel Zacote, may binuo na silang task force na tututok para sa paghahanap ng mga posibleng maging importer ng bakuna.

Wala rin daw silang alam na local manufacturer na bumubuo ng veterinary products sa Pilipinas.
Kaya ito ang pinatutugunan ngayon ni Pangulong Bongbong Marcos sa FDA at DA dahil apektado ang supply ng karne ng baboy at manok sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *