Bakunang ituturok, huwag ilihim sa publiko

SORSOGON CITY – Hindi sang-ayon si Sorsogon City Health Officer Dr. Rolando Dealca sa panukala na huwag i-anunsyo sa publiko ang brand ng bakuna na gagamitin sa kanila.

“Karapatang malaman kong ano ang uri ng bakuna ang ituturok sa publiko,” pahayag ni Dealca sa panayam ng Brigada News FM-Sorsogon.

Ito aniya ang personal na pananaw niya sa harap ng plano ng national government na ilihim sa mga magpapakuna ang brand ng available vaccine, sa layuning maiwasan ang mahabang pila at pagiging mapili ng publiko sa uri ng bakunang ituturok sa kanila.

Ayon sa opisyal, karapatan ng sinuman na malaman kung anong gamot ang ipapasok sa katawan nila dahil ito naman talaga ang nararapat.

Ito ay kaugnay ng direktiba mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) na huwag nang ianunsyo ang mga brand ng bakuna sa mga vaccination site dahil sa nagkakaroon ng diskriminasyon, o namimili ang mga tao sa brand na gusto nila.

Ani DILG Secretary Eduardo Año, “the best vaccine is the one that is available; therefore in order to overcome brand preference, LGUs should not announce the brand of vaccine to be used in vaccination centers.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *