Balik biyaheng Partido at Rinconada sa rotonda, Naga City kinokonsidera ng committee on transport matapos ang protesta ng ilang transport association at pasahero

NAGA CITY – Kinokonsidera ng Committee on Transportation sa Naga City, ang posibleng balik-biyahe ng Partido at Rinconada Area sa rotonda sa lungsod, matapos ang protesta at reklamo ng ilang transport association at pasahero.

Ito ay kung magkakaroon ng amendment sa ordinansa lalo na’t hanggang ngayon wala pang naging resulta sa una nang naging pag-uusap hinggil sa usapin.

Sa panayam kay City Councilor Omar Buenafe, Chairperson ng Committee on Transportation, aniya, kailangan na masanay ang mga pampasaherong sasakyan na terminal to terminal na ang baba maging ang mga pasaherong mas na apektado, at dapat rin na ngayon pa lang maayos na, dahil kung hindi babalik sa dating magulo ang trapiko sa lungsod, lalo na’t may maganda rin naman itong naidulot maliban sa nabawasan ang aksidente sa kalsada, gumaan ang trapiko lalo na sa rotonda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *