Balikatan exercise – opisyal nang nagtapos

Itinuring na isang tagumpay ang 39th Balikatan Exercise sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na dinaluhan din ng iba pang observers.

Ngayong araw, isinagawa ang closing cermony para sa pormal na pagtatapos ng joint military training na nagtagal ng halos 3 linggo.

Nilahukan ito ng mahigit 16 na libong mga sundalo.

Kabilang sa mga isinagawang pagsasanay ang Mulitilateral Maritime Exercise, Counter Air Operation, Live- Fire Exercise at Maritime Strike Exercise.

Maliban sa mga pagsasanay ay kinapalooban din ng Cybersecurity simulation, humanitarian at civic assistance at Disaster response drills ang Balikatan ngayong taon.

Ayon kay Balikatan Exercise Director MGen. Marvin Licudine, inaasahan ang mas challenging at mas complex Balikatan sa susunod na taon.

Nauna nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines na malaking tulong sa kanilang hanay at maging sa American forces ang ginawang palitan ng kaalaman at kakayanan ng dalawang pwersa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *