Balitang paglubog ng isang barko sa Iba, Zambales, hindi totoo ayon sa Pnp Maritime

IBA-Pinabulaanan ng Pnp Maritime ang kumalat na balita sa social media na may barkong lumubog sa karagatang sakop ng Iba, Zambales.

Ito ay makaraang maalarma ang ibat-ibang ahesya ng pamahalaan gaya ng Maritime, Phil.Coast Guard at Disaster Management Office ng Zambales dahil sa natanggap na report tungkol dito.

Ayon kay Pmaj. Manny Magat ng Pnp Maritime Zambales, nakumpirma ng opisina na ang sinasabing lumubog ay isang dredging vessel at dahil sa laki ng alon ay aakalain ng makakakita mula sa dalampasigan na lumubog na ang barko.

Base sa report, galing ng dagat ng Botolan, Zambales ang barko at naglayag papuntang Palauig, Zambales para magkubli sa malalaking alon dala ng bagyong Dante at habang nasa tapat ng bayan ng Iba ay dito na inakala ng ilan na lumubog.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Symptoms of STRESS Stomach Ache and Increased Acid Reflux Breathing Increased Heart Rate Muscle Pain Heado Headaches Grinding Teeth Y Low Energy Inso mia Power Powr Cells SOYA COFFEE'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *