Ibinahagi ng Malacañang ang ilang panuntunan para sa nakatakdang pagsasailalim sa Metro Manila sa stricter enhanced community quarantine mula Aug. 6 hanggang 20.
Batay sa listahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases, hindi pinapayagan ang ilang establisyemento na mag-operate sa panahon ng ECQ gaya ng entertainment venues; recreational venues; amusement parks at playgrounds; cockpit arenas; lotteries; indoor sports courts at venues; indoor at outdoor tourist attractions; venues para sa meetings, conferences, at exhibitions.
Bawal rin ang pagbubukas ng personal care services (salons, parlors, beauty clinics, etc.); staycations; horse racing with off-track betting, at indoor at outdoor dining.
Samantala, papayagan naman ng national government ang individual outdoor exercise sa loob ng bisinidad ng tirahan o barangay ng isang indibidwal.
Sa usapin ng religious gatherings, tanging pinapayagan lang ang online, habang ang necrological services, wakes, inurnment, at funerals ay limitado lang sa immediate family members.
Pagdating sa pagbiyahe, tanging ang mga authorized persons lang ang makaka-travel sa Metro Manila (intrazonal) at mula sa capital region at papunta sa mga kalapit na probinsya gaya ng Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite (interzonal). // MHEL PACIA-TRINIDAD
LEGAZPI CITY - Tiniyak ng Police Regional Office (PRO) 5 ang kaligtasan ng mga Bicolano…
Mukabat sa kapin P5.4 Million kantidad sa gituohang shabu ang nakumpiska sa otoridad atol sa…
Gitunolan sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) kagahapong adlawa, Huwebes og kinatibuk-ang Php…
Nasungkit nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang bagong titulo bilang Box Office King and…
Arestado ang empleyado sa gobyerno kauban ang laing duha ka indibidwal sa gilusad nga drug…
Sinimulan na ng Senado ang proseso sa citizenship ni Bennie Boatwright para mapasama sa Gilas…