Inihayag ng Malacañang na hindi pa panahon para sa pagpapatupad ng “no vaccine, no entry” policy sa mga establisyemento, dahil marami pa umano ang hindi nakakatanggap ng kanilang COVID-19 vaccine doses.
Ito ay sa kabila na pinuri ng gobyerno ang nakatakdang pagpapatupad ng naturang stricter rule sa Cebu.
Mababatid na simula sa August 25, pagbabawalan sa Lapu-Lapu City, Cebu ang mga tao na hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19 na makapasok sa mga shopping malls, convenience at grocery stores, at public markets.
Para kay presidential spokesperson Harry Roque, kailangan hintayin na 50 percent ng populasyon ang makakakuha na ng bakuna.
Samantala, matapos batikusin ng mga residente ng naturang lungsod ang ‘no vaccine, no entry rule’, sinabi ni Mayor Junard Chan na pag-aaralan pa ng lokal na pamahalaan ang naturang usapin. // MHEL PACIA-TRINIDAD
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…