Banga Mayor Palencia, duda sa mga rason sa pag-relieved sa kanilang COP!

KORONADAL CITY — HINDI kumbinsido si Banga, South Cotabato Mayor Albert Palencia sa mga rason kung bakit inalis sa pwesto bilang chief of police ng bayan si Police Major Joseph Forro.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Palencia, kinumperma nito na may public pronouncement si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo na hindi umano maganda ang performance ni Forro bilang chief of police ng Banga dahilan kung bakit inalis ito sa pwesto.

Depensa ng alkalde, madalas No. 1 sa accomplishment ang Banga PNP sa buong South Cotabato sa ilalim ng liderato ni Forro lalo na sa pag-resolba sa mga kriminalidad. Nangunguna din umano ang Banga PNP sa kampanya laban sa illegal na droga at illegal gambling.

Itinanggi naman ng alkalde na binabantayan ng Banga PNP ang pamamahay nito.

Sa kabila ng pag-relieved sa chief of police, pinasiguro naman ni Palencia na mananatili pa rin ang magandang partnership ng Banga PNP at Banga LGU.

Mananatili din umano ang suporta nito sa mga kapulisan at ang Reward System sa mga malalaking kriminalidad sa bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *