Bangkang ginamit ng mga nasawing mangingisda sa WPS, natagpuan ng PCG

Natagpuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bangkang nasangkot sa isang malalang banggaan sa isang komersyal na barko sa West Philippine Sea.

Ayon sa tagapagsalita ng PCG na si Rear Admiral Armand Balilo, natagpuan ng BRP Malapascua ang FFB Dearyn, 180 nautical miles mula sa Agno, Pangasinan bandang 12:40 p.m.

Nasa masamang kondisyon raw ang bangka at kakailanganing buhatin ng isang salvor ship upang maiwasan ang karagdagang pinsala sa bangka na gagamitin pa sa imbestigasyon.

Umalis na kagabi sa port ang salvor ship na nagmula sa pribandong kumpanyang Harbour Star, ngunit maaring abutin ito ng dalawang araw bago makarating sa karagatan sa bayan ng Agno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *