Bangkay na nasa advance state of decomposition, natagpuan sa bangin sa T’boli, SoCot

KORONADAL CITY — NASA andvance state of decomposition na ang bangkay ng isang lalaki nang natagpuan ito, Nobyembre 20 ng umaga sa bulubunduking bahagi ng Sitio Dal, Barangay Malugong, T’boli, South Cotabato.

Kinilala ng kanyang step father ang biktima na si Joan Batok Aron, 26 anyos, binata, residente ng Purok 4, Barangay Malugong ng nasabing bayan.

Ayon sa T”boli PNP na una nang nai-report sa kanilang substation sa Sitio Tablogan sa Barangay Aflek ang pagkawala ng biktima matapos na hindi na ito naka-uwi ng bahay.

Makalipas ang ilang linggong paghahanap sa biktima, nakita ito ng kayang step-father na si Joseph Lambet. Naaagnas na umano ang nabanggit na bangkay sa bangin sa bulubunduking bahagi ng lugar.

Agad namang dinala sa punerarya ang bangkay para sa post-mortem examination.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *