Bangkay, natagpuan na palutang-lutang sa ilalim ng tulay sa Tanauan City, Batangas

Palutang-lutang ang isang bangkay ng lalaki ng matagpuan ito ng mga dumadaan sa San Juan River, Brgy. Poblacion 4, Tanauan City, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon ng Tanauan City Police Station, alas-7 ng umaga ng Hunyo 7 ng mapansin ng mga dumadaan sa nasabing lugar ang bangkay na palutang-lutang dito.

Ayon sa naging pahayag ni PCpl Arvin Magcawas ng nasabing himpilan sa Brigada News FM Batangas, hindi pa umano matukoy sa ngayon ang pagkakakilanlan ng naturang biktima.

Naghahanap pa rin ang mga awtoridad ng mga ebidensya na magbibigay linaw sa pagkamatay nito at kung mayroong foul play sa insidente.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon para mapag-alaman  ang totoong pangyayari at makilala ang biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *