Bangkay natagpuan sa B’lok Creek sa Barangay Zone III, Koronadal

KORONADAL CITY- PAGKALUNOD habang naka-inom ng alak. Ito ang tinitingnan dahilan ng Koronadal City PNP sa natagpuang bangkay ng lalaki sa Marañon Block 5, Barangay Zone III, Koronadal City. Kinilala ang nasabing biktima na si Richard Dackie Abellana Valenzuela, 47 taong gulang, single at residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng Koronadal City PNP, mula umano sa lamay ang nasabing biktima kung saan posible itong nalaglag na mula sa lining ng B’lok Creek at nalunod na nanging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Dagdag pa ng kapulisan na naka-inom umano ang biktima ng kabing iyon kung saan inakala pa ng mga kasamahan nito na naka-uwi na ang biktima. Samantala isasailalim naman ang bangkay ng biktima sa postmortem examination habang nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *