Bangkay ng dalagita, natagpuang isinilid sa sako sa Pili, Camarines Sur; suspek naaresto

NAGA CITY- Halos mawasak ang dibdib ng mga kaanak ng 13-anyos na dalagita sa Pili, Camarines Sur; ang hihihintay nila at hinahanap ay bangkay nang natagpuan.

Nangyari ito sa Barangay San Jose.Β  Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PLTCOL Joffrey TodeΓ±o hepe ng Pili Municipal Police Station, sinabing Sabado pa hinahanap ang biktima. Hindi kase umuwi ng hapon matapos na maglaro sa labas.

Nitong Linggo Nov. 5, 2023 nakita na lamang ng ama ang isang sako sa may river side o masukal na parte ng barangay, kinutuban ito at nang tingnan , ang kaawa-awang biktima.

Kaagad na tumungo sa lugar ang mga otoridad, sa pag-iimbestiga natukoy kaagad ang suspek base sa mga pahayag ng mga nasa lugar kung sino ang huling kasama. Nasakal ang dalagita sa palayan hanggang sa mawalan ng malay, naingayan daw kase ang suspek.

Sa hotpursuit operation , nahuli ang 32-anyos na umano’y responsable sa krimen  sa may paliparan na nagtatangka nang tumakas sa bayan.

Sinabi pa sa BNFM ng hepe nang inaaresto na na ang suspek, sinubukan pang saksakin ang isang pulis , mabuti na lamang aniya nakailag at naagaw ang patalim.

Hinihintay ng PNP ang resulta ng medical exam upang malaman kung inabuso sekswal.

Nakiusap ang PNP na huwag na munang pangalanan ang sangkot hanggat hindi pa naisasampa ang kaso kahit na umamin na ito sa krimen na kaniyan nagawa.

Mabuting apo kung isalarawan ni Lolo “Gil” ang dalagita , sana aniya ay managot ang maysala.

Mahaharap na ang suspek sa kasong direct assault at murder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *