BANGKAY NG ISANG DALAGA, NATAGPUAN SA ISANG BAKANTENG LOTE SA TUGUEGARAO

Natagpuan ang isang bangkay ng naagnas na babae sa bakanteng lote na bahagi ng Barangay Annafunan East, Tuguegarao City.

Ang biktima ay kinilalang si Jasmin Grace Casale, 21-anyos at residente ng Barangay Atulayan Norte.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, inihayag ni Police Captain Rosemarie Taguiam, Information Officer ng PNP-Tuguegarao na isang concerned citizen ang nakakita sa bangkay ng biktima.

Aniya, base sa salaysay ng pamilya ng biktima, alas syete ng gabi noong araw ng Sabado nang magpaalam ito na may pupuntahan at mayroon umanong katagpo ngunit hindi binanggit kung sino.

Hindi umano agad hinanap ng pamilya ang biktima dahil nakaugalian na nitong umalis ng kanilang bahay at umaga na nakakauwi.

Nag-aalala ang pamilya ng biktima nang hindi na ito umuwi dahilang upang manawagan na sila sa social media.

Hinala ng kapulisan, itinapon lamang sa lugar ang bangkay ng biktima kung saan hindi umano doon isinagawa ang pagpaslang.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga PNP Tuguegarao City kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng biktima maging ang pagkakakilanlan ng gumawa sa krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *