Bangkay ng isang lalaki na nakabalot ng packing tape ang ulo, ginilitan ang leeg at tadtad ng saksak sa katawan natagpuan sa isang kanal sa bayan ng Norala

KORONADAL CITY – ISANG bangkay ng lalaki ang natagpuan na nakahandusay sa gitna ng kanal, at pinaniniwalaan na biktima ng summary execution pasado alas 6:00 ng umaga kanina sa may bahagi ng Purok Sto.Niño, Barangay Simsiman, Norala, South Cotabato.

Ayon kay Barangay Kagawad Abenir Pamplona, na ang naturang bangkay ay nakasuot ng itim na damit, pantalon at walang suot na sapatos o tsinelas at possible na itinapon lamang ng mga suspek sa kanilang lugar, matapos na walang Makita na indikasyon na doon isinagawa ang kremin.

Napag-alaman na binalot ng cellophane ang ulo ng biktima saka nilagyan ng packing tape, maliban pa sa tatlong saksak na natamo nito sa kanyang dibdib, dalawa sa ilalim ng kili-kili likod at ginilitan pa ang leeg. Sa ngayon ang labi ng biktima ay nananatili sa Emerald Funeral Home sa bayan ng Norala habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa naturang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *