Bangkay ng isang sanggol, natagpuan sa isang creek sa Antipolo City

Natagpuan ng mga otoridad ang sanggol na walang buhay sa isang creek sa Antipolo City.

Ayon sa Antipolo City Police, itinawag ng isang concerned citizen matapos makitang may kahina-hinalang bagay na nahalo sa mga basura sa creek.

Nang rumesponde ang nabanggit na istasyon, isang sanggol na nangigitim ang kulay ang kanilang natagpuan.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng follow-up investigation ang nasabing himpilan para malaman kung paano napunta sa creek ang bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *