Bangkay ng pasahero sa bumagsak na eroplano sa Isabela, natagpuan na

Natagpuan na ang bangkay ng nawawalang pasahero ng eroplano na bumagsak sa Isabela.

Ito ay pasado alas nuebe ng umaga noong linggo.

Ayon sa incident management team ng Isabela natunton ng K9 tracker ang labi ng babaeng pasahero na 200 metro ang layo nito kung saan bumagsak ang eroplano.

Alinsunod sa kagustuhan ng asawa ng biktima dadalhin ang labi nito sa Isabela.

November 30 naiulat na nawawala ang eroplano na bumyahe mula Kawayan Isabela papunta sanang Palawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *