Human Interest

Bangkay ng tao, natagpuan sa kwarto ng isang hotel guest sa Tibet

ANONG magiging reaksiyon mo, kung sakaling mayroon nang naunang natulog sa hotel room na pinag check-inan mo? Hindi lamang iyan, paano kung ito ay napakabaho, dahil sa ito ay natutulog nang mahimbing at hindi na magigising kailanman.

Iyan ang kagimbal-gimbal na pangyayari kay Mr. Zhang kamakailan sa Lhasa, Tibet kung saan isang naaagnas na bangkay ang natagpuan sa ilalim ng kama kung saan siya naka checked in.

Noong una inakala nito na ang kaniyang mga paa ang umaalingasaw o ang restaurant na nasa ibaba.

Dahil sa hindi niya natiis ang napaka sang-sang na amoy, nakiusap siya sa staff ng hotel na ilipat siya ng kwarto.

Kalaunan, nadiskubre ng hotel staff na isang bangkay ang nasa ilalim ng kama ni Mr. Zhang na agad namang ipinaalam sakanya bago ito kinunan ng DNA sample para sa isinagawang imbestigasyon.

Ang araw na ito ay hindi niya umano malilimutan sa kaniyang buhay, ‘pagkat sino ba naman ang gugustuhin na manatili sa isang kwarto na mayroon ding ibang natutulog at ang mahirap isipin, ito ay isang bangkay. |WENCY LISAY

BNFM Bicol

Recent Posts

Top 3 candidates ng MUPH National Costume Competetion tumanggap ng tig – 100k

Tumanggap ng tig-100 thousand pesos ang tatlong kandidatang nanguna sa ginanap na National Costume Competition…

6 mins ago

State of Calamity, idineklara sa Brookes Point dahil sa El Niño

Isinailim na sa State of Calamity ang bayan ng Brooke's Point dahil sa pinsalang dulot…

14 mins ago

Init ng panahon, hindi hadlang sa pagsali sa kompetisyon ng mga mag-aaral sa Sagñay, Camarines Sur

CAMARINES SUR - Mainit man ang panahon, hindi ito naging hadlang para sumali at makapasok…

15 mins ago

Higit 6,000 trabaho, tampok sa Labor Day Job Fair sa Soccsksargen

KORONADAL CITY – MAHIGIT sa 6,000 na mga bakanteng trabaho ang naghihintay at maaaring aplayan…

38 mins ago

Lalaki, arestado matapos manuntok ng enforcer sa Lucban, Quezon

Arestado ang isang lalaki nang suntukin nito ang isang enforcer matapos siyang matiketan sa Barangay…

2 hours ago

Motor, sumalpok sa isa pang motor sa General Nakar, Quezon; 2 rider, sugatan

Sugatan ang dalawang rider matapos magkasalpukan ang motorsiklo ng mga ito sa Barangay Maigang, General…

2 hours ago