Bansot at cute na baka, kinagiliwan ng mga netizen sa isang buy and sell group

Ibinahagi ni Rex Hernandez Saquito sa isang Barter community ang litrato ng isang bansot at cute na cute na litrato ng isang baka.

Kinagiliwan ito ng mga netizens na nakakuha na kulang-kulang tatlong libong reactions at anim na libong shares.

Caption ng post, “Baka gusto nyo baka, presyuhan nyo na naka lowered na rin.”

Komento ng iba, maganda aniya gawing pet ang cute na baka.

Matatandaang naitala sa Guinness World Records sa taong 2021 ang pinakamaliit na baka sa buong mundo mula sa bansang Bangladesh na nagngangalang “Rani”  o queen sa salitang Bengali. Nasa 20 inches lamang ang taas ni Rani na tumimbang sa 26kg. Ngunit sa kasamaang palad, isang buwan matapos maitala ito, namatay ang 23-month old na Bhutanese cow sa sakit sa tyan. ### JEREMY LESNIANA, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *