Bantay Dagat chairman, arestado sa kasong ‘acts of lasciviousness’

Hinainan ng kanyang warrant of arrest ang 59-anyos na chairman ng Bantay Dagat dahil sa kinakaharap nitong kasong ‘kahalayan’ o pambabastos.

Kinilala ang akusado sa alyas na Miguel, may asawa at naninirahan sa Brgy Embarcadero, Juban, Sorsogon.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Br 51, 5th Judicial Region, Sorsogon City at isinilbi ng pinagsamang puwersa ng Juban MPS at ng 2nd Prov’l Mobile Force Company, Sorsogon Police Prov’l Office.

Piyansang aabot sa P180K ang itinakda ng korte para sa temporayong kalayaan nito.

Ang acts of lasciviousness ay isang krimen na nakasaad sa Revised Penal Code at nalalagay bilang Crime Against Chastity. Masasabing ang ginawa ng isang tao ay act of lasciviousness kung idinampi nito ang kanyang katawan sa katawan ng isa pang tao para mapunan ang sekswal nitong pagnanasa ngunit walang naganap na pwersahang pakikipagtalik o rape.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *