Barangay councilor, sugatan matapos saksakin ng lasing sa Agoncillo, Batangas

Nagpapagaling na sa ospital ang isang barangay councilor matapos na pagsasaksakin ng lasing na lalaki habang ito naka-duty sa Brgy. Pook, Agoncillo, Batangas pasado alas-11:00 kagabi.

Kinilala ng Agoncillo Municipal Police Station ang biktima na si Redentor Medrano y Taruc, 57 anyos at residente ng naturang barangay.

Ayon sa imbestigasyon, naka-duty umano ang biktima sa Siglakas Club ng nilapitan ng lasing na suspek na si Niel Alvarez y Derana, 45 anyos.

Kinompronta ng suspek ang biktima at sinabi ang mga katagang: “Matagal ka ng may atraso sa akin”.

Dito na nagkasagutan ang dalawa na nauwi sa pananaksak ng suspek sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng opisyal gamit umano ang balisong.

Agad na tumakas ang suspek gamit ang kanyang motorsiklo habang isinugod sa ospital sa Lemery ang barangay kagawad.

Pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad ang nakatakas na suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *