Barangay drug clearing program para sa pagpatupad ng drug free workplace advocacy nakatakdang gawin sa Naga City

NAGA CITY – Target na ngayon ng Naga City Dangerous Drugs Board ang matiyak na drug-free ang mga commercial establishments sa lungsod dahil walang empleyadong gumagamit ng iligal na droga.

Isa ito sa nakapalaman sa nabuong Barangay Drug Clearing Program na ang layunin ay matiyak na walang drug addict o drug user na empleyado sa mga pang pribadong opisina.

Sa susunod na Linggo, Pebrero 27 hanggang 28 gagawin ang Training on YakapBayan Modules for Recovering Perons Who Used Drugs bilang bahagi rin ng Drug-Free Workplace Policy Advocacy ng LGU-Naga laban sa iligal na droga sa lungsod. 

Ayon naman kay Toti Importante, Head ng NCDDB, magiging kasama nila sa aktibidad na ito bilang mga facilitator ang mga personahe mule sa Phil Drug Enforcement Agency, Department of Interior and Local Government, Phil National Police at Liga ng mga Barangay sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *