Barangay ID at postal ID, maaaring magamit sa SIM card registration

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Bicol na mayroon pang magamit na IDs sa pagrerehistro ng mga SIM cards.

Kasunod ito ng mga reklamong natatanggap nila na hindi umano makapag-register ng SIM cards dahil walang government-issued IDs, o hindi sila nire-recognize sa iprinesentang IDs.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DICT Bicol Regional Director Carmela Valencia, sinabi niya na maaaring magamit ang Barangay ID dahil isa rin ito sa ikino-konsidera ng telcos bilang government ID.

Ayon sa kanya, ang lahat ay maaaring makapag-avail nito dahil malapit lang naman sa mga barangay at anumang oras ay makakakuha nito.

Maliban umano sa Barangay ID, maaari ring magamit ang Postal ID dahil isa rin ito sa mga madaling ma-avail at tinatanggap ito sa lahat ng mga transaksyon kahit pa sa bangko.

Ang mahirap lamang na gamitin sa registration ay ang school ID dahil hindi kumpleto ang mga detalye at ang iba naman ay hindi nakalagay ang address.

Bukod pa rito, hindi naman pangmatagalan ang gamit dahil nag-eexpire ang validity nito pagkatapos maka-graduate o kapag nag-drop.

May mga government IDs pa umano na maaaring gamitin kaya’t magparehistro na habang pinalawig ito hanggang Hulyo 25.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *