Barangay Kagawad, arestado sa Manhunt Charlie Ops ng Castilla PNP

Arestado ang isang Barangay Kagawad sa ikinasang Manhunt Charlie Operation ng Castilla MPS sa Brgy San Rafael, Castilla, Sorsogon.

Kinilala ng mga awtoridad ang akusado na si Noel Ardales Bitancur, 55-anyos, may asawa at naninirahan sa nasabing barangay.

Inaresto si Bitancur sa bisa ng warrant of arrest sa dalawang kasong paglabag sa section 10 (A), Article VI ng RA 7610 o other acts of child abuse na pinalabas ng Family Court Br 12, Sorsogon City na may inirekomendang piyansa na P80K bawat kaso.

Ang akusado ay ibinalik na sa kanyang court of origin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *