Barangay officials na lumabag sa protocols, hindi agad aarestuhin- PNP Cauayan

Tiniyak ng PNP Cauayan City na hindi aarestuhin kaagad ang mga kapitan ng barangay na hindi sumusunod sa protocols partikular ang mass gatherings sa kanilang mga nasasakupan.

Ito ang kinumpirma ni PLT. Scarlette Topinio, tagapagsalita ng PNP Cauayan, sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Ayon kay PLT. Topinio, iimbitahan at kakausapin lang umano ang mga barangay officials sa kanilang himpilan kung sakaling may paglabag sila sa protocols partikukar ang mass gatherings.

Kasama rin sa magbibigay ng babala at paala ang Department of Interior Local Government Cauayan kaugnay dito.

Dagdag pa ni PLt. Topinio, wala pa naman umanong nasampolan na barangay sa lungsod na paglabag sa protocols dahil nakikita naman umano nila ang patuloy na paalala ng mga barangay officials sa kanilang mga residente.

Patuloy naman hinihimok ng mga otoridad ang mga barangay officials maging ang mga residente na maging responsable at disiplinado upang maiwasan ang pagkalat ng COVID 19.

Samantala, kinumpirma rin ng opisyal na bumaba na ang bilang ng mga nahuhuling violators ng mga otoridad sa lungsod sa mga nagdaang araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *