Barangay Poblacion sa Tupi, national winner sa Lupong Tagapamayapa Awards

KORONADAL CITY- PINARANGALAN ng Department of the Interior and Local Government o DILG South Cotabato ang mga most outstanding barangay sa pagpapatupad ng Katarungang Pambarangay Law sa pamamagitang ng Lupong Tagapamayapa Incentives Awards o LTIA 2023.

Itinanghal bilang Most Oustanding Lupon ngayong taon ang Barangay Poblacion ng Tupi na nakatanggap ng premyong P 40,000. Ito rin ang national winner sa LTIA Awarding Ceremony na ginanap sa Manila Hotel kung saan nakatanggap ito ng premyong P 300,000. Samantala, 2nd place naman sa provincial level ang Barangay Poblacion ng Polomolok, 3rd place ang Barangay Lapuz ng Norala at 4th place ang Barangay Poblacion ng Tampakan.

Ang Lupong Tagapamayapa Incentives Award ay nagbibigay parangal sa mga barangay na may magandang performance at implementasyon ng barangay justice at pagresolba sa mga maliliit na problema o hindi pagkakaintindihan sa barangay upang hindi na umabot pa sa korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *