Barangay Tanod na inanod ng baha sa Camarines Sur , patay nang natagpuan

CAMARINES SUR- Hindi na nakaligtas ang Barangay Tanod na tinangay ng baha sa Goa, Camarines Sur.

Ito ay batay sa ulat ng MDRRM- Goa.

Nakilala ang biktima na si Gina Barde, 51-anyos residente ng Scout Fuentebella sa nasabing bayan. Napag-alaman sa asawa nitong si Noli na bago ang insidente, inuwi nito ang Grade 3 pupil na anak.

Ayon sa MDRRM, nang mga oras na iyon halos lagpas tuhod na ang baha sa tulay ng Sitio Laki-laki pero nakatawid pa.

Babalik ang ginang sa paaralan upang gampanan ang pagiging barangay tanod, pero mas mataas na ang lebel ng tubig, sa kabila nito buong tapang na tumawid, sa kasamaang palad tinangay ng malakas na agos.

Nang makatanggap ng tawag ang MDRRMO bandang alas 10:30 ng umaga nitong Enero 27, 2023 rumisponde ang mga personahe.

Bandang alas-2 na nang hapon ng makita ang bangkay ng ginang dalawang kilometro ang layo sa tulay.

Naiwan ni Barde ang pitong mga anak na labis ang pagdadalamhati sa pangyayari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *