Local News

Barbero dakip sa drug buy-bust matapos bentahan ang isang PDEA agent sa Masbate

SORSOGON CITY—Kalaboso ang isang barbero matapos itong masakote sa drug buy bust operation ng PDEA at PNP sa Purok 1, Barangay Pasig, Claveria, Masbate

Kinilala ang suspek na si Gregorio Añonuevo Necesario, Jr. alyas ‘Buranday’.

Nadakip ito ng pinagsanib na elemento ng Claveria MPS, PDEA Masbate Provincial Office at Masbate RPDEU matapos na pagbentahan ng hinihinalang shabu ang isang PDEA undercover agent na may tinatayang bigat na sampong gramo at nagkakahalaga ng 70,000 pesos.

Sa karagdagang pagsisiyasat may apat pang sachet ng hinihinalang shabu ang narekober sa suspek na tinatayang may street value na 300,000 pesos.

Si Necesario ay mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, parehong  non-bailable offense base sa dami ng nakumpiskang iligal na droga.#

BNFM Sorsogon

Recent Posts

Balitang babawasan ang rice subsidy at iba pang benepisyo ng mga pulis, tinawag na ‘fake news’

Tinawag na 'fake news' ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Marbil ang…

25 seconds ago

Dalawang katao na nagnakaw ng kambing at nasamsaman pa ng iligal na droga, arestado

Sinampahan na ng patung-patong na kaso ang dalawang construction worker na unang nabistong nagnakaw ng…

3 mins ago

Senate President – muling nanawagan sa pangulo na iprayoridad ang dagdag sahod para sa mga manggagawa

Muling nanawagan si Senate President Migz Zubiri kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyang-prayoridad ang…

5 mins ago

Lalaki, arestado matapos manaksak sa Macalelon, Quezon

Arestado ang isang lalaki matapos nitong saksakin ang 65-anyos na biktima sa Barangay Padre Herrera,…

5 mins ago

DFA, nanindigan hindi pumasok ang Pilipinas sa anumang kasunduan sa China hinggil sa Ayungin shoal

Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na isang aspeto ng hindi pagkakasundo ang propaganda…

8 mins ago

Pilipino, sugatan sa Hong Kong dahil sa malakas na ulan

Stable na ang kundisyon ng dalawang mga overseas Filipinos na nasugatan dahil sa mga pag-ulan…

18 mins ago