Barbi Imperial at Carlo Aquino nasa Albay para sa taping ng “I love you Lizzy” movie

LEGAZPI-Kasaluyang nasa lalawigan ng Albay ang actress na si Barbie Imperial at Carlo Aquino para sa shooting ng kanilang tambalan sa palabas na “I Love You Lizzy” na idenerek ni RC delos Reyes.

Sinagawa ang unang araw ng taping sa Farmplate sa Daraga, Albay at hapon naman ng namataang nagshooting sa Nuesta Señora de Salvacion rotonda Tamaoyan – Pawa Road ng Legazpi City. Sa instagram stories ishinare naman ni Carlo Aquino ang kanilang pictures ni Barbie sa unang araw ng shooting at inirepost naman ni barbi sa kanyang Instagram.

Ayon naman sa post ng Mavx Productions, ang I love lizzy movie ay bilang parte ng pagdiriwang ng ika 30 taong anibersaryo ng Star Magic’s.

Marami naman na suporters ang natuwa ng malaman na nasa Albay ang Actress na isang rin sikat na model ng Daraga, Albay.

Ayon pa sa mga komento ng mga kababayan, isa lamang umanong patunay na walang dadaig sa ganda ng turismo sa Albay tulad na lamang ng gandang taglay ni bulkang mayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *