Barbie movie, “Sobrang waley” – MJ Lastimosa; “sayang 600 ko”!

Dismayado si Binibining Pilipinas Universe 2014 MJ Lastimosa sa pelikulang “Barbie” matapos niya itong mapanood.

Ayon sa tweet ng beauty queen, nasayang lamang umano ang binayad niyang P600 sa ticket.

Ultra cinema umano kaya ang mahal.

“Sobrang waley ng barbie movie sayang 600 ko haha!” tweet nito.

Umani agad ng samu’t-saring reaksyon mula sa netizens ang pahayag ni MJ.

Sagot naman ng isang netizen: “Because IT’S BARBIE. It was meant to capture the senseless, playful, and fun nature of how you played with Barbie when you were a child.”

Dagdag pa ng beauty queen, para umanong school project film ang kanyang napanood.

“Okay naman some parts but in general mehhh parang school project film”, reply nito sa isa sa mga Twitter users na nagkomento sa kanyang tweet.

Ang Barbie movie na pinagbibidahan nina Margot Robbie bilang Barbie at Ryan Gosling bilang Ken ay unang naging kontrobersyal sa bansa dahil sa nine-dash line ng China na makikita sa pelikula.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *