Baril at bala nakumpiska sa isang lalaki sa Brgy. Irawan

Arestado ng mga awtoridad ang 38 anyos na si Julie Fuentes Nuñez Sr. sa Purok Masagana, Barangay Irawan, Puerto Princesa City kaninang alas sais ng umaga (6:00am), June 18, 2023.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Palawan, dinakip ito sa bisa ng search warrant na pirmado ni Judge Jocelyn Sundiang Dilig, Executive Judge ng Palawan.

Nakumpiska mula sa suspek ang 1 unit caliber 45 pistol, 2 pirasong magazine, 10 pirasong live ammunition, 4 na pirasong bala ng 9mm, 4 na basyo na bala ng caliber 45 at isang bag.

Samantala si Nuñez ay nasa kustudiya na ng CIDG para sa kaukulang dokumentasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *