Local News

Baril, bala at granada, narekober sa bahay ng miyembro ng Militia ng Bayan

SORSOGON CITY – Arestado ang 57-anyos na magsasaka dahil sa pag-iingat nito ng hindi lisensyadong baril, bala at hand grenade sa loob ng kanyang bahay sa Purok 3, Brgy Dita sa bayan ng Gubat, Sorsogon.

Kinilala ang suspek na Crispin Diesta Espenida, biyudo, at naninirahan sa nasabing lugar, umano’y miyembro ng Militia ng Bayan (MB).

Sa bisa ng isang search warrant ay sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Gubat Police sa pamumuno ni PMaj Jose Arnel Geronga, PNP-Sorsogon at Miltary units ang bahay ni Espineda.

Narekober mula sa suspek ang isang kalibre .45 na pistola, 6 na bala para sa naturang baril at isang hand grenade.

Nahaharap na ang suspek sa magkapatong na kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9516 kaugnay ng ilegal na pagmamay-ari ng pampasabog.

PHOTOS exclusive for Brigada News FM-Sorsogon

BNFM Sorsogon

Recent Posts

Bahay, tinupok ng apoy; Traysikel, kuliglig,naabo rin

Isang sunog ang sumiklab kaninang umaga sa Brgy. San Antonino, Burgos, Isabela kung saan tinupok…

3 mins ago

Ilang Marcos supporters, nagkilos-protesta sa harap ng Senado upang ipanawagang papasukin ang ICC sa bansa

Hindi inalintana ng ilang Marcos supporters ang tindi ng init sa labas ng Senado upang…

5 mins ago

Higit P100K na halaga ng droga, nasabat

Nasabat mula sa isang drug personality ang higit P100,000 na halaga ng shabu sa ikinasang…

7 mins ago

Balitang babawasan ang rice subsidy at iba pang benepisyo ng mga pulis, tinawag na ‘fake news’

Tinawag na 'fake news' ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Marbil ang…

9 mins ago

Dalawang katao na nagnakaw ng kambing at nasamsaman pa ng iligal na droga, arestado

Sinampahan na ng patung-patong na kaso ang dalawang construction worker na unang nabistong nagnakaw ng…

11 mins ago

Senate President – muling nanawagan sa pangulo na iprayoridad ang dagdag sahod para sa mga manggagawa

Muling nanawagan si Senate President Migz Zubiri kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyang-prayoridad ang…

13 mins ago